Lahat tayo have a cross to bear. Pero it is so unfair na hindi pare-pareho yung bigat. At ang masakit dun para sa akin ay isa ako sa may pinakamabigat na krus na pinapasan. This may sound "exaggerated" or O.A. pero believe it or not, to me it is the fact.
Sobrang bigat mga bro at sis. Hindi ko na ata kaya. Ramdam na ramdam ko ang impact noon pa. And no matter how much comfort I receive from reading materials, quotes, inspiring messages, etc... it is just as temporary as a cold compress. Maya-maya mararamdaman ko ulit yung bigat mula noon hanggang ngayon. Pagod na ako sa pagdadala and hindi man lang gumaan kahit marami na akong paraan na maisip para mapagaan ito. Walang nagbabago sa mass nito and nararamdaman ko pa na parang padagdag pa ang bigat.
"Cast your burdens upon me...those who are heavily laden and I will give you rest." Yan ang sabi ni Bossing pero saan na yung rest ngayon? Ilang beses na akong lumapit, nakiusap, nagsisi, pilit magbago pero wala pa ring result. Pero mahal ko pa rin Sya kasi Sya yung Pinakamakapangyarihan eh. Saka utang ko ang buhay ko at lahat sa Kanya. Yun nga lang, medyo deadma sya sa akin. I am still appealing baka mapansin Nya rin ako. Pagod na ako. Pagod na rin ang pamilya ko. Dinadala ko lahat yun.
Lahat ng krus na ito superbigat. Kahit minsan iniisip ko na hanggang mamatay ako bubuhatin ko pa rin ang mga ito, patuloy pa rin ako. Minsan nawawalan na ako ng pag-asa. Ilang beses na nga akong nawawalang ng zest sa buhay. Feeling ko isinumpa ako. Ayokong magmukhang kaawa-awa ng ganito. Gusto ko ring maging masaya at sana gumaan na ang lahat ng krus na ito ASAP.
+++

- Family cross - Ang sakit ng kuya ko na about 20 years nang nagpapahirap sa amin financially. Mahal ko ang kuya ko at nagsa-suffer sya sa sakit nya na hindi magamot at walang kagalingan. Drained lagi ang income namin everyday for those years up to present dahil sa gamot nya at wala kaming magagawa dahil naghihirap sya. Every sakit ng tyan na nararanasan nya everyday ay sakit sa puso naman ang dulot sa amin ng nanay ko. Niloko na nga ang tatay ko ng amo nya sa SSS kaya nung namatay sya wala kaming natanggap. Tapos tindahan lang ang pinagkukunan namin ng pera plus itong maliit na sweldo ko. Bakit may ganitong ordeal sa amin?
- Physical cross - isa sa mga worse feelings na matatanggap mo everyday ay physical rejection. Pinanganak ako na iba sa mga normal na tao kasi sa age ko, maliit ang buto at framework ko at lahat na lang maliit at payat sa akin. Akala nila lagi bata ako. Nahihirapan ako manligaw sa babae. Nahihirapan ako sa physical activities, ni hindi ko nakaya maggym para man lang lumaki ang katawan ko. Hindi ako makapag-excel sa sports na gusto ko. Hindi ako makapaglaro ng gitara kasi maliliit ang fingers ko. Ni mga bakla nagdadalawang isip pa magkagusto sa akin. Mahirap mag-gain ng friends. Mahirap maghanap ng magandang trabaho kasi usually they judge you by the way you look. Hindi ako matanggap na supervisor or manager kasi mukha daw akong bata. Kahit todo ako sa performance sa exam at skills, hindi pa rin nila gusto. Kulang daw ako sa height at katawan. Lahat nang ito hindi ko in-assume... na-experience ko lahat. Apektado ng katawan ko lahat ng aspects ng buhay ko. Madami na akong ginawa para maimprove katawan ko at maging tulad din nila. Pero wala pa rin. Ganito na talaga. Wala na akong maisip na paraan. Kailangan ko na lang tanggapin. Para ko na ring tinanggap na hindi talaga ako normal. Pero kung yun nga ang totoo, wala akong magagawa. Kapag nakikita ko silang lahat, lahat ng tao, para akong sinasampal sa mukha. Sakit sakit. Super bigat ng krus na 'to.
- Career cross - hindi ako nakapaggraduate sa college dahil sa kakulangan sa pera at dahil sa katawan ko, hindi ako makapagROTC. Dahil sa katawan ko, hindi ako makahanap ng physical at managerial na trabaho. Ni hindi nga ako makapag-abroad for skilled work. Nagwork ako sa call center pero naisip ko na malapit nang bumagsak katawan ko. Di nga nakaya ng mga normal ang katawan eh. Nagtitiis ako ngayon sa maliit na sahod. Hindi ko alam kung paano ako kikita ng mas malaki. Gusto kong mag-aral ulit pero walang pera. Sana may makatulong na umikot ang takbo ng buhay ko at gumaan ang krus na ito.
- Relationships cross - Walang kayang magmahal sa akin ng totoo kahit marunong akong magpahalaga at magmahal. No need to explain further. Masakit eh.
Lahat ng krus na ito superbigat. Kahit minsan iniisip ko na hanggang mamatay ako bubuhatin ko pa rin ang mga ito, patuloy pa rin ako. Minsan nawawalan na ako ng pag-asa. Ilang beses na nga akong nawawalang ng zest sa buhay. Feeling ko isinumpa ako. Ayokong magmukhang kaawa-awa ng ganito. Gusto ko ring maging masaya at sana gumaan na ang lahat ng krus na ito ASAP.
+++
No comments:
Post a Comment